I.                    PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan. 

II.                  PORMALISTIKO

A.      Buod o Synopsis

SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa ring maging isang puting ibon. Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa kanya. Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting tagak. Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano. Sinabi kasi nito na kung bakit hindi nalang makuntento si Tanya sa kanyang kulay na ibinigay sa kanya ng Panginoon.

Sa huli ay natanggap rin ni Tanya ang kung anong mayroon siya. Naganap ito noong bago magsimula ang patimpalak sa Little Princess Song Bird. Nakuha kasi ni Andokito ang kaibigan ni Tanya na Si Bianca noong papalayo itong lumilipad pagkatapos nilang mag-away. Iniligtas ni Tanya ang kaibigan imbes na lumahok sa nasabing paligsahan.

B.      MGA ELEMENTO

1.       PAKSA

Ang paksa ng kwento ay ang pagiging kuntento kung ano ang mayroon ka at kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa iyo ay maging Masaya ka sapagkat ang lahat ay may kanya-kanyang kagandahan sa kanilang mga sarili.

1.       TAGPUAN

Ang tagpuan ng akda ay sa kagubatan ng Puerto Princesa. Doon rin kabilang ang patimpalak na nais lahukan ni Tanya.

1.       TAUHAN

Si Tanya, ang uwak na nais pumuti, ang kanyang matalik na kaibigang si Bianca at si Andokito na ninais kuhain si Bianca.

2.       BANGHAY

a.       PANIMULA

SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa ring maging isang puting ibon.

b.      SAGLIT NA KAKINTALAN

Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa kanya.

c.       PAPATAAS NA AKSYON

. Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting tagak. Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano.

d.      KASUKDULAN

Nag-away sina Tanya at Bianca. Tinangka namang kunin ni Andokito si Bianca.

e.      PABABANG AKSYON

Pinagpalit ni Tanya ang kanyang pagsali sa patimpalak upang tulungan ang kanyang kaibigang si Bianca.

f.        WAKAS

Natutunang mahalin ni Tanya ang kanyang kulay at nakuntento na siya sa kung anong mayroon siya.

g.       TUNGGALIAN

Tao laban sa kanyang sarili. Tao laban sa kanyang sarili sapagkat si Tanya ay walang tiwala sa kanyang sarili. At hindi niya gusto kung ano man ang mayroon siya, ni hindi nga siya makuntento sa kanyang sarili.

III.                TEORYANG PAMPANITIKAN

A.IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1.       Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2.       Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3.       Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4.       Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5.       Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6.       Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7.       Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8.       Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang pagmamahal

9.       Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10.   Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

B. TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Realismo

C . PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

Sapagkat may mga ganitong tao rin. Hindi sila makuntento kung anong mayroon sila. Kailangan pa nila ang ibang tao para magkaroon lang ng tiwala sa kanilang sarili. Ang iba nga ay gumagamit, nagpapadagdag at nagpapabawas pa ng kung anu-ano sa kanilang sarili para lamang makuntento.

IV.                REAKSYON

Ang kwento ay nakaeengganyo at ang kwento rin ay napapanahon. Ang kwento ay nakaaakit at nakalilibang rin para sa mga bata.

 

 

 
I.                    PANIMULA

Ang akdang ito ay isinulat ni Pedro S. Dandan. Ang kwentong ito ay patungkol sa isang batang tumututol sa kanyang amang lumipat sila ng matitirahan. Noong una’y tutol lamang siya sa kanyang ama sapagkat ayaw niya lamang na lumipat ngunit nabatid niyang napamahal nap ala siya sa kanilang lugar.

II.                  PAGSUSURING PANGNILALAMAN

a.       PAKSA

Ang paksa ng kwento ay ukol sa batang ayaw silang lumipat saibang lugar, ngunit sabi ng kanilang ama ay walang kwenta ang luagr na iyon at puro kapangitan lamang sapagkat hindi ito makapagtrabaho bilang manunulat ng maayos.

b.      SIMBOLO

1.       SIMBOLISMO NG MGA BAGAY NA BINANGGIT SA AKDA

Ang trak na dumating ay sumisimbolo para sa paglipat nila sa Dampalit at sila’y aalis na sa kanilang lumang bahay sa Looban.

Ang luha naming pumatak sa kanyang mga mata ay sumisimbolo sa pagmamahal niya sa kanyang mga kalaro at pagkaulila sa mga ito.

Ang kanya naman mga malalamang braso ay sumisimbolo na siya ay laman ng mga baras at palakasan.

1.       SIMBOLISMO NG MGA TAUHAN O KARAKTER NA BINANGGIT SA AKDA

Ang kanyang ama ay sumisimbolo sa isang taong hindi makapagpokus sa kanilang mga ginagawa o linya ng prpsyon sa pamamagitan ng distraksyon sa kanyang paligid.

Ang kanya naming ina ay sumisimbolo sa mga taong mapagpasensiya at mapagtimpi.

Ang kanya naming mga kaibigan ay sumisimbolo para sa mga taong sumusunod ng maayos sa kanilang lider, kumbaga sa isang samahan, sila ang mga miyembro.

a.       URI

Ang uri ng kwentong ito ay tao laban sa tao. Sapagkat siya ay hindi sang-ayon sa kanyang ama sapagkat gusto niya pang lumagi sa Looban kaysa sa ibang lugar o sa titirahan nila sa Dampalit.

a.       MAGANDANG PAHAYAG

Ang mga tao o bagay na matagal mo nang kasama o kapiling ay hindi mo pinapahalagahan hanggang sa oras na mawalay sila sa iyo.

III.                PAGSUSURING  PANGKAISIPAN

A.      MGA PAHIWATIG AT KAHULUGAN NITO

Noong dumating na ang trak. Ibig sabihin noon ay kailangan na nilang lumisan at pupunta sa panibago nilang bahay.

Noong pinakita ang may burdang “Popoy at Lina”. Ang pahiwatig noon ay tinutukso silang dalawa ni Lina bilang mga nag-iibigan.

Noong tumulo ang mga luha ni Popoy. Ang ibig sabihin naman noon ay mangungulila siya sa kanyang mga kalaro sa Looban.

Tinitigan niya si Lina ng matagal. Ang ibig sabihin noon ay may pagtingin siya kay Lina.

A.      MGA ARAL AT IMPLIKASYON

Ang mga kaibigan ay lagi nating maaasahan at sila ang ating lagging sandigan sa anumang problema.

 
I.                    PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan. 

II.                  PORMALISTIKO

A.                  Buod o Synopsis

Pumunta sila Ka Albina kasama ang kanyang anak na si Nati at pamangking si Pilang upang magdala ng pagkain sa bukid.Kasama nila si Ore na nagpapahuli at parang may malalim na iniisip.

Pagdating nila roon may mga nagtatarabaho na. Habang abala sa pag-aayos sila Nati at Pilang nagpupumilit na tumulong si Pastor kay Pilang. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape at hinawakan naman ni Pastor ang kamay ni Pilang.

Nung kumakain na sila si Pastor ay pasulyap-sulyap. Pagkatpos nilang kumain inumpisahan nilang magsuyuan, nag-araro si pastor at si Ore, para silang nagpapaligsahan sa ingay at sigawan, lihim na nagpaligsahan nga ang dalawa.Nagpakitang gilas ang mga kalabaw nila nanahimik lang ang dalawang dalaga mabilis ang kalabaw ni Pastor nahuihuli lamang si Ore. Napagaod na ang kanilag mga kalabaw at si pastor nga ang nanalo sa tila paligsahan nila.

Tanghali na noon kakain na uli sila tumigil si Pastor nagpahinga narin ang kanilang mgakalabaw nakatawa silang lumapit sa kanilang mga kasamahan hinimas himas naman muna ni Ore ang kaniyang kalabaw sapagkat pagod na pagod ito.noong naupo na si Ore ilang hakbang ang layo kila Pilang at katabi ni Pator ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

B.            MGA ELEMENTO

1.            PAKSA

Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa isang pag-ibig at ang pagpilipi ng isang tao para sa ikasasaya g kanyang puso.

1.       TAGPUAN

Ang tagpuan ng akda ay sa araruhing tubigan nina Ka Teryo at Ka Albina.

2.       TAUHAN

Pilang ang pamangkin ni Ka Albina, Pastor ang may gusto kay Pilang, Ore may gusto rink ay Pilang, Ka Albina tiya ni Pilang

3.       BANGHAY

a.                   PAPATAAS NA AKSYON

Pumunta sila Ka Albina kasama ang kanyang anak na si Nati at pamangking si Pilang upang magdala ng pagkain sa bukid.Kasama nila si Ore na nagpapahuli at parang may malalim na iniisip.

b.            SAGLIT NA KAKINTALAN

Pagdating nila roon may mga nagtatarabaho na. Habang abala sa pag-aayos sila Nati at Pilang nagpupumilit na tumulong si Pastor kay Pilang. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape at hinawakan naman ni Pastor ang kamay ni Pilang.

A.      PAPATAAS NA AKSYON

Nung kumakain na sila si Pastor ay pasulyap-sulyap. Pagkatpos nilang kumain inumpisahan nilang magsuyuan, nag-araro si pastor at si Ore, para silang nagpapaligsahan sa ingay at sigawan, lihim na nagpaligsahan nga ang dalawa

d.      TUNGGALIAN

.Nagpakitang gilas ang mga kalabaw nila nanahimik lang ang dalawang dalaga mabilis ang kalabaw ni Pastor nahuihuli lamang si Ore. Napagaod na ang kanilag mga kalabaw at si pastor nga ang nanalo sa tila paligsahan nila.

a.       KASUKDULAN

Tanghali na noon kakain na uli sila tumigil si Pastor nagpahinga narin ang kanilang mgakalabaw nakatawa silang lumapit sa kanilang mga kasamahan hinimas himas naman muna ni Ore ang kaniyang kalabaw sapagkat pagod na pagod ito.noong naupo na si Ore ilang hakbang ang layo kila Pilang at katabi ni Pastor ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

b.      WAKAS

ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

.               III.           TEORYANG PAMPANITIKAN

A.                  IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1.       Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2.       Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3.       Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4.       Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5.       Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6.       Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7.       Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8.       Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang pagmamahal

9.       Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10.   Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

 

B.                  TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Eksistensyalismo

PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

Sapagkat katulad ni Pilang, kahit na si Pastor pa ang nagwagi sa kanilang “paligsahan” ni Ore ay si Ore pa rin ang pinili niya, at siya ay may kakayahang pumili kung ano ang kanyang naisin.

REAKSYON

Nakakatuwa ang nagging transisyon at ang pinaparating ng kwento na ang isang tao ay hindi lamang talaga namimili ng kanyang magugustuhan sa pisikal na kaanyuan lamang kundi pati na rin sa bukal ng kalooban.

 
I.                    PANIMULA

ANG AKDANG ITO AY ISINULAT NI Dan Brown.  Sa aking patingin kung kaya’t ito’y isinulat ni Dan Brown sapagkat nais niyang masagot ang tanong kung si Jesus ba talaga ay nagkaroon ng asawa at si Maria Magdalena nga ba iyon sapagkat may mga clue rin sa mga gawa ni Leonardo Da Vinci na nagpapatunay rito.

II.                  PAGSUSURING PANGNILALAMAN

a.       PAKSA

Ang paksa ng kwento ay ang paglutas ng isang kaso sa pagpaslang sa isang bantog na konserbador at ang mga clue na isinulat niya sa kanyang katawan.

b.      SIMBOLO

1.       SIMBOLISMO NG MGA BAGAY NA BINANGGIT SA AKDA

Ang isa sa mga simbolismong nabanggit sa akda ay kalis, na nagrerepresinta sa womb, o fertility.

Ang Cryptics, simbolismo ito na isang mahalagang sikreto ang itinatago sa buong mundo.

2.       SIMBOLISMO NG MGA TAUHAN O KARAKTER NA BINANGGIT SA AKDA

Si Robert Langdon ay isang representasyon para sa mga taong nais tuklasin ang mga bumabagabag sa kanilag isipan. Dahil doon ay naislat niya ang kanyang libro.

c.       URI

Ang kwentong ito ay Tao Laban Sa Lipunan sapagkat ang Simbahang Katoliko naman ay hindi sumasang-ayon rito.

d.      MAGANDANG PAHAYAG

Ninanais ng Maykapal na ang mga taong mabubutu ay mapabuti rin.

III.                PAGSUSURING  PANGKAISIPAN

A.      MGA PAHIWATIG AT KAHULUGAN NITO

Noong pinapawisan si Langdon noong nakulong sila sa isang trak- Claustrophobic si Langdon

Sumulat si Jacques Sauniere, ang bantog na konserbador ng mga sign sa kanyang katawan bago siya mamatay- may gusting ipaalam si Sauniere kay Langdon at gusto niyaitong ipaayos.

B.      MGA ARAL AT IMPLIKASYON

Na marami pang natatagong lihim ang Diyos.

Marami pa siyang nais gawin sa minding ibabaw para sa mga tao.

 
I.                    PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan. 

II.                  PORMALISTIKO

A.      Buod o Synopsis


Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kanyang kita gayundin ng kanyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kanyang kasamahan rin sa trabaho.

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang paupahan.

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres.

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay nap ala si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya. Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

B.      MGA ELEMENTO

1.       PAKSA

 Ang kahirapan ng buhay ng mga probinsiyano sa Maynila at ang pagkamaaalalahanin ng isang probinsiyano sa kanyang kauri.

2.       TAGPUAN

Ang tagpuan sa kwentong sa mga kuko ng liwanag ay sa Maynila.

3.       TAUHAN

Si Julio na isang probinsyanong lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, si Pol na kaibigan ni Julio, si Ligaya na kaibigan rin ni Julio na matagal na niyang hindi nakikita at si Ah Tek na kasintahan ni Ligaya.

4.       BANGHAY

a.       PANIMULA


Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kanyang kita gayundin ng kanyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kanyang kasamahan rin sa trabaho.

b.      SAGLIT NA KAKINTALAN

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang paupahan.

c.       PAPATAAS NA AKSYON

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres.

d.      KASUKDULAN

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

e.      PABABANG AKSYON

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay nap ala si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya. Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

f.        WAKAS

Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

g.       TUNGGALIAN

Tao laban sa lipunan, sapagkat si Julio at si Ligaya ay mga probinsyano at dahil doon ay tinatrato silang maliit at hamak lamang ng mga taga- Maynila.

III.                TEORYANG PAMPANITIKAN

A.      IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1.       Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2.       Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3.       Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4.       Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5.       Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6.       Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7.       Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8.       Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang pagmamahal

9.       Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10.   Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

B.      TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Realismo

C.      PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

sapagkat sumasalamin ito sa totoong mukha ng buhay sa naganap kila Julio at Ligaya.

IV.                REAKSYON

Maganda ang kwentong ito mula kay Edgardo M. Reyes. Kahit na buod lang ang aking nabasa(pagkat isa itong nobela) ay naroon pa rin ang buhay sa kwentong binasa.

 
Pagsusuring Pamapanitikan

I.                   Panimula

Ang maikling kwentong ating susuriin ay  ang kwentong “Lugmok na ang Nayon” ni Edgardo M. Reyes. Ang paksa nito ay ang pagiging matulungin ng mga taga-nayon o probinsya kahit na sila ay hikahos sa buhay ay handa silang tumulong o magbigay ng tulong sa mga humihingi sa kanila.. Maganda ang kwentong ito sapagkat ang kwento ay tumutukoy sa pagiging mainit sa pagtanggap sa mga bisita kahit na nasa nayon kayong nakatira.

II.                Pagsusuring Pangnilalaman

a.      Paksa

Ang tema ay ang paksa ng kwento. Dito umiikot ang mga kaganapan sa kwento at ito ang mismong ideya ng kwento. Ang paksa ng kwentong ito ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao, o sa pangkalahatan ang pagiging mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang mga panauhin at gagawin nila ang lahat mapasaya lamang ang kanilang mga nagiging bisita kahit na hikahos sila sa buhay.

b.     Simbolo (Simbolismo)

1.     Simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda

Ang ilan lamang sa mga simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda ay kalahating kabang bigas na Milagrosa, isang litsuning baboy, dalawang kambing, isang kilong manok, walong pato, dalawang pabo at dalawang bayong ng sari-saring gulay. Simbolo ito sa mga pinapabaon natin sa ating mga bisita sa tuwing sila ay uuwi na. Tradisyon na ito sa atin lalo pa’t kung may mga handaan ay mga pabaon pa tayong pinapadala sa kanila. Maaari rin itong gamiting simbolo sa pagiging matulungin nating mga Pilipino. Madalas na tumutulong tayo lalo sa mga masalanta at inaabutan natin sila ng kahit magkano man lang para lang kahit paano’y makatulong tayo sa kanila.

2.     Simbolismo ng mga tauhan o karakater na binanggit sa akda

Naging simbolismo ng mga tauhan sina Vic ng mga karakter o tauhan sapagkat naging simbolo sila ng mga nagiging mga bisita nating mg Pilipino na kung minsa’y bumibisita sa atin at pinagsisilbihan natin sa abot ng ating makakaya upang maging komportable sila sa ating kinalalagyan.

c.       Uri

Ang “Lugmok na ang Nayon” ay uri ng maikling kwento ay Realismo sapagkat sumasalamin ito sa tunay na buhay natin. Totoo na kung tayo ay pumupunta sa mga nayon o probinsya man natin ay pinagsisilbihan tayo at ang pinakamagaganda lang ang ipinapakita sa atin ng mga tao roon kahit hikahos sila.

d.     Magandang Pahayag

Ang magandang pahayag sa kwento ay ang linyang “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa maraming taga-lungsod”. Magandang pahayag ito sapagkat magkakaroon ng handa ang kapatid ni Vic na ikakasal sapagkat nagtulong-tulong ang mga kamag-anakan nina Vic upang mabigyan manlang ng kahit panghanda sina Vic. Kahit maliit na tulong lamang ito sa kanila, nakikita ng nagsasalaysay na malaking tulong ito sapagkat hindi naman siya kadalasang nakakakita ng pagbibigayan ng ganoon kalaki.

III.             Pagsusuring Pangkaisipan

A.     Mga Pahiwatig at mga Kahulugan nito

1.      “Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat”. Ang ibig sabihin nito ay parang ang nayon na kanilang pinuntahan na kilala sa tawag na Sapang Putol ay malayo sa kasarinlan, at naghihirap ang mga taong nakatira rito. Mainit na rin ang sikat ng araw sapagkat tanghaling tapat na noon at matagal na rin silang nagpapabilad-bilad sa araw.

2.      “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa maraming taga-lungsod”. Sa sobrang dami ng kanilang natanggap mula sa mga taga-Sapang Putol ay sobra-sobra na ito sa magiging panghanda ng kapatid ni Vic para sa kasal nito at sinasabi niya ring marami itong mabubundat sapagkat maraming tao nag mapapakain nito.

B.     Mga Aral at Implikasyon

1.      “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Naranasan ito ng kaibigan ni Vic at siya ring nagsasalaysay sa kwento sapagkat noong una ay naaasar na siya sa sobrang layo ng Sapang Putol. Nasisikipan rin siya sa bahay ng tiyo ni Vic pero sa pagtitiis nila ay marami silang natanggap mula sa mga ito.

C.      Kalakasan at Kahinaan ng Pagsulat

1.      Ang kahinaan ng kwento ay may mga parte ng kwento na nakakabagot.

2.      Hindi ipinakilala ang nagsasalaysay kung anong pangalan niya. Oo, sinabi nga yung kaibigan siya ni Vic pero kulag ang impormasyong ibinigay ng manunulat sa kanya.

3.      Ang ganda ng tema ng kwento.

4.      Kahit mahaba ng kaunti yung kwento ay Masaya naming basahin.

5.      Nagpapakita ng mga katangian ng tao sa pagiging maasikaso sa mga bisita nila.

    Author

    nasusuka ako 
    kapag tinu-toothbrush ko na ang dila ko ...

    Archives

    March 2013

    Categories

    All