I.                    PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan. 

II.                  PORMALISTIKO

A.      Buod o Synopsis

SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa ring maging isang puting ibon. Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa kanya. Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting tagak. Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano. Sinabi kasi nito na kung bakit hindi nalang makuntento si Tanya sa kanyang kulay na ibinigay sa kanya ng Panginoon.

Sa huli ay natanggap rin ni Tanya ang kung anong mayroon siya. Naganap ito noong bago magsimula ang patimpalak sa Little Princess Song Bird. Nakuha kasi ni Andokito ang kaibigan ni Tanya na Si Bianca noong papalayo itong lumilipad pagkatapos nilang mag-away. Iniligtas ni Tanya ang kaibigan imbes na lumahok sa nasabing paligsahan.

B.      MGA ELEMENTO

1.       PAKSA

Ang paksa ng kwento ay ang pagiging kuntento kung ano ang mayroon ka at kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa iyo ay maging Masaya ka sapagkat ang lahat ay may kanya-kanyang kagandahan sa kanilang mga sarili.

1.       TAGPUAN

Ang tagpuan ng akda ay sa kagubatan ng Puerto Princesa. Doon rin kabilang ang patimpalak na nais lahukan ni Tanya.

1.       TAUHAN

Si Tanya, ang uwak na nais pumuti, ang kanyang matalik na kaibigang si Bianca at si Andokito na ninais kuhain si Bianca.

2.       BANGHAY

a.       PANIMULA

SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa ring maging isang puting ibon.

b.      SAGLIT NA KAKINTALAN

Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na Little Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa kanya.

c.       PAPATAAS NA AKSYON

. Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting tagak. Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin ditto ang kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano.

d.      KASUKDULAN

Nag-away sina Tanya at Bianca. Tinangka namang kunin ni Andokito si Bianca.

e.      PABABANG AKSYON

Pinagpalit ni Tanya ang kanyang pagsali sa patimpalak upang tulungan ang kanyang kaibigang si Bianca.

f.        WAKAS

Natutunang mahalin ni Tanya ang kanyang kulay at nakuntento na siya sa kung anong mayroon siya.

g.       TUNGGALIAN

Tao laban sa kanyang sarili. Tao laban sa kanyang sarili sapagkat si Tanya ay walang tiwala sa kanyang sarili. At hindi niya gusto kung ano man ang mayroon siya, ni hindi nga siya makuntento sa kanyang sarili.

III.                TEORYANG PAMPANITIKAN

A.IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1.       Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2.       Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3.       Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4.       Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5.       Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6.       Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7.       Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8.       Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang pagmamahal

9.       Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10.   Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

B. TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Realismo

C . PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

Sapagkat may mga ganitong tao rin. Hindi sila makuntento kung anong mayroon sila. Kailangan pa nila ang ibang tao para magkaroon lang ng tiwala sa kanilang sarili. Ang iba nga ay gumagamit, nagpapadagdag at nagpapabawas pa ng kung anu-ano sa kanilang sarili para lamang makuntento.

IV.                REAKSYON

Ang kwento ay nakaeengganyo at ang kwento rin ay napapanahon. Ang kwento ay nakaaakit at nakalilibang rin para sa mga bata.

 

 

12/16/2013 08:54:23 pm

Pahenge namn po ng halimba ng teoryang realismo at eksistensyalismo :)

Reply
Juliana Villanueva
1/7/2016 03:49:32 am

Pahingi po Ng aral po Ng kwento

Reply
1/4/2015 07:09:12 pm

df

Reply
1/4/2015 07:11:32 pm

magaling, salamat sa iyo,, nag karoon ako ng ideya... muah,,,hahahah...../.

Reply
Carina david
1/15/2015 06:26:27 pm

Tnx...may ideyd na ako

Reply
6/25/2015 02:09:19 pm

magaling na storya marami tayong matutunan sa totoong buhay :)

Reply
;)
10/30/2016 02:22:03 am

ty po

Reply
Fashra Bandahala
7/24/2017 12:48:17 am

need help poh!!
kunti lang ang nakuha kung depinasyon ng Teoryang Humanismo
pahingi naman poh kung may alam pa kayung iba..

Reply
Denniel Jude
3/11/2019 05:10:36 am

sa ma kaclassmate ko, ito na reference ko ahhh HAHAHA

Reply
1/3/2021 09:52:44 pm

Need help!
Please help me po

Anong estilong ng may-akda ang ginamit sa pagsisimula at pagwawakas ng kwento sa Si tanya,ang uwak na gustong pumuti

Reply
Anae
10/31/2021 12:00:42 pm

Hi Ma'am, can I ask po kung meron ka rin pong pagsusuri sa nobelang Laro sa Baga?

Reply



Leave a Reply.

    Author

    nasusuka ako 
    kapag tinu-toothbrush ko na ang dila ko ...

    Archives

    March 2013

    Categories

    All