Pagsusuring Pamapanitikan

I.                   Panimula

Ang maikling kwentong ating susuriin ay  ang kwentong “Lugmok na ang Nayon” ni Edgardo M. Reyes. Ang paksa nito ay ang pagiging matulungin ng mga taga-nayon o probinsya kahit na sila ay hikahos sa buhay ay handa silang tumulong o magbigay ng tulong sa mga humihingi sa kanila.. Maganda ang kwentong ito sapagkat ang kwento ay tumutukoy sa pagiging mainit sa pagtanggap sa mga bisita kahit na nasa nayon kayong nakatira.

II.                Pagsusuring Pangnilalaman

a.      Paksa

Ang tema ay ang paksa ng kwento. Dito umiikot ang mga kaganapan sa kwento at ito ang mismong ideya ng kwento. Ang paksa ng kwentong ito ay ang mainit na pagtanggap ng mga tao, o sa pangkalahatan ang pagiging mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang mga panauhin at gagawin nila ang lahat mapasaya lamang ang kanilang mga nagiging bisita kahit na hikahos sila sa buhay.

b.     Simbolo (Simbolismo)

1.     Simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda

Ang ilan lamang sa mga simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda ay kalahating kabang bigas na Milagrosa, isang litsuning baboy, dalawang kambing, isang kilong manok, walong pato, dalawang pabo at dalawang bayong ng sari-saring gulay. Simbolo ito sa mga pinapabaon natin sa ating mga bisita sa tuwing sila ay uuwi na. Tradisyon na ito sa atin lalo pa’t kung may mga handaan ay mga pabaon pa tayong pinapadala sa kanila. Maaari rin itong gamiting simbolo sa pagiging matulungin nating mga Pilipino. Madalas na tumutulong tayo lalo sa mga masalanta at inaabutan natin sila ng kahit magkano man lang para lang kahit paano’y makatulong tayo sa kanila.

2.     Simbolismo ng mga tauhan o karakater na binanggit sa akda

Naging simbolismo ng mga tauhan sina Vic ng mga karakter o tauhan sapagkat naging simbolo sila ng mga nagiging mga bisita nating mg Pilipino na kung minsa’y bumibisita sa atin at pinagsisilbihan natin sa abot ng ating makakaya upang maging komportable sila sa ating kinalalagyan.

c.       Uri

Ang “Lugmok na ang Nayon” ay uri ng maikling kwento ay Realismo sapagkat sumasalamin ito sa tunay na buhay natin. Totoo na kung tayo ay pumupunta sa mga nayon o probinsya man natin ay pinagsisilbihan tayo at ang pinakamagaganda lang ang ipinapakita sa atin ng mga tao roon kahit hikahos sila.

d.     Magandang Pahayag

Ang magandang pahayag sa kwento ay ang linyang “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa maraming taga-lungsod”. Magandang pahayag ito sapagkat magkakaroon ng handa ang kapatid ni Vic na ikakasal sapagkat nagtulong-tulong ang mga kamag-anakan nina Vic upang mabigyan manlang ng kahit panghanda sina Vic. Kahit maliit na tulong lamang ito sa kanila, nakikita ng nagsasalaysay na malaking tulong ito sapagkat hindi naman siya kadalasang nakakakita ng pagbibigayan ng ganoon kalaki.

III.             Pagsusuring Pangkaisipan

A.     Mga Pahiwatig at mga Kahulugan nito

1.      “Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat”. Ang ibig sabihin nito ay parang ang nayon na kanilang pinuntahan na kilala sa tawag na Sapang Putol ay malayo sa kasarinlan, at naghihirap ang mga taong nakatira rito. Mainit na rin ang sikat ng araw sapagkat tanghaling tapat na noon at matagal na rin silang nagpapabilad-bilad sa araw.

2.      “At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at bubundat sa maraming taga-lungsod”. Sa sobrang dami ng kanilang natanggap mula sa mga taga-Sapang Putol ay sobra-sobra na ito sa magiging panghanda ng kapatid ni Vic para sa kasal nito at sinasabi niya ring marami itong mabubundat sapagkat maraming tao nag mapapakain nito.

B.     Mga Aral at Implikasyon

1.      “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Naranasan ito ng kaibigan ni Vic at siya ring nagsasalaysay sa kwento sapagkat noong una ay naaasar na siya sa sobrang layo ng Sapang Putol. Nasisikipan rin siya sa bahay ng tiyo ni Vic pero sa pagtitiis nila ay marami silang natanggap mula sa mga ito.

C.      Kalakasan at Kahinaan ng Pagsulat

1.      Ang kahinaan ng kwento ay may mga parte ng kwento na nakakabagot.

2.      Hindi ipinakilala ang nagsasalaysay kung anong pangalan niya. Oo, sinabi nga yung kaibigan siya ni Vic pero kulag ang impormasyong ibinigay ng manunulat sa kanya.

3.      Ang ganda ng tema ng kwento.

4.      Kahit mahaba ng kaunti yung kwento ay Masaya naming basahin.

5.      Nagpapakita ng mga katangian ng tao sa pagiging maasikaso sa mga bisita nila.

Erica Biscocho
10/12/2013 03:09:33 pm

Salamat po dito! Big Help po sa project :D

Reply
Huli
10/5/2014 04:12:11 pm

Nakatutuwang basahin ang iyong pagsusuri sa panitikang Lugmok na ang Nayon....

Reply
8/11/2015 11:21:52 pm

dfd

Reply
anonymous
12/6/2015 07:37:47 am

Nasaan ang buod?

Reply
11/16/2017 02:53:16 am

big help!!! thanks ng marami.....love you na....

Reply
ganda
9/8/2018 02:48:05 am

pwede po ba makuha yung buong bersyon ng maikling kwento?

Reply
jushua
9/26/2018 06:55:41 pm

pwede ba full story ng kwento????????????

Reply
Buknoy
10/16/2019 08:27:30 am

Pwede po ba na full story po yan

Reply
miggy
1/28/2020 11:50:06 pm

ano ang point of view ng kwento?

Reply
Anae
10/31/2021 11:59:17 am

Ma'am? Meron ka po yung sa Laro sa Baga

Reply
Pancit
1/1/2022 02:32:57 am

Ang araw ay mahapdi sa balatat ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat. Ano po ang Layunin nito?? Thank you po ng marami

Reply



Leave a Reply.

    Author

    nasusuka ako 
    kapag tinu-toothbrush ko na ang dila ko ...

    Archives

    March 2013

    Categories

    All