LIWANAG SA LIKOD NG MGA ULAP...
Sa panahon ngayon, marami tayong nadaramang mga kalamidad. Masaklap. Lalo na kung iyong makikita ang mga naging epekto ng pangyayaring ito. Ngunit sa kabila ng mga buhay na nawala at mga ari-ariang nawasak, nananaig pa rin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino sa panahong ito.
Kung iyong mapapansin, kung may mga kalkamidad na nangyayari sa ating bansa, marami ang mabubuting loob at malilinis na puso ang nag-aabot ng tulong sa mga masalanta o naaapektuhan. Nariyan ang mga rescuers na handang magbuwis ng kanilang mga buhay upang mailigtas lamang ang mga taong sa totoo lang eh, Hindi naman nila kilala.
Maliban sa mga kalamidad, mariyan ang mga aksidente na nangyayari katulad na lamang ng sunog. Kapag nasusunugan ang ating mga kababayan, nariyang ililikas sila ng pamahalaan at ang mga tao ay nagtutulungan upang mabigyan ng gamot, kasuotan at ng makakain ang mga nasunugan. Ganyan ang mga Pilipino, nagbabayanihan.
Tunay nga na may liwanag sa likod ng mga ulap. Totoong may pag-asa tayo sa kabila ng kasalatan, kalamidad o aksidente man. Hindi tayo dapat na mawalan ng pag-asa sapagkat pagkatapos ng dilim ay may liwanag rin na sisikat para sa ating lahat, sa ating lahat na marupok tuwing tayo ay may problema. Pag-asa na makabangon sa hirap na nararanasan. Totoo nga na kung ikaw ay tumutulong sa iba ay pagpapalain ka ng poong lumikha.

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!
Mula sa mga matatandang simbahan, naglalakihang strawberries, magandang tanawin sa papalubog na araw, perfect-coned na bulkan hanggang sa mga butanding, underground river at matatamis na ngiti ng mga tao, tunay na It’s more fun in the Philippines!
Tunay nga na pinagpala ang mga pulo ng pilipinas. Hindi lang ito mayaman sa likas na yaman kundi sa mga tao rin na nakatira rito. Ang mga Pilipino ay tunay na masiyahin at positibo sa buhay. Kahit na may mga problema o suliranin ang Pinoy , lagi lang silang nakangiti at tinatawanan ang problema.Ang mga pinoy rin ay natural na mainit ang pagtanggap sa mga bisita. “Hospitable” kumbaga. Kung may bisita sila, sinasabitan nila ng mga garland at pinaghahandaan talaga nila ang pagdating ng kanilang mga bisita.
Dumako naman tayo sa mga magagandang tanawin. Kamakailan lang ay itinanghal na isa sa mga seven wonders of the world ang ipinagmamalaki ng mga taga Palawan ang Puerto Prinsesa Underground River. Kahit hindi rin kasama sa seven wonders, isa rin sa pangunahing atraksyon sa bansa ang mayon volcano, Banaue Rice Terraces at chocolate Hills. Talagang dinarayo tayo ng mga turista dahil diyan. Isama pa ang Hundred Islands at Boracay , tunay ngang pinagpala ang ‘Pinas!
Kadalasan mang negatibo ang lagay ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa dinaranas na mga suliranin niti, sa kabila ng lahat ay masasabing pinagpalaat pinagyaman ito ng Poong Lumikha. Tunay nga na napakaganda ng Pilipinas. Sana ay lalo pa itong gumanda at mapagyaman pa ng mga nakatira ditto sa tulong na rin ng Pamahalaan. “It’s more fun in the Philippines!”